Kung may mga “partners-in-crime” na nagsasama-sama para magsamantala sa bayan, dapat magsama-sama rin ang mga “matino at mahusay” para unahin at pangalagaan ang kapakanan ng taumbayan. Sa ganitong paniniwala’t pananaw itinatag nina Sec. Jesse Robredo, Grace Padaca at Among Ed Panlilio ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership
Parang nawalan ng tatay ang KN! sa pagpanaw ni Sec. Jess, at dahil “on-leave” si Grace dahil sa kanyang mga responsibilidad bilang COMELEC Commissioner, parang nawalan din ng nanay ang grupo. Mabuti na lang at nariyan pa rin ang aming dakilang timon na si Among Ed, at ang aming “dakilang utusan” na si Harvey Keh. Lead Convenor ng KN! si Harvey, at tagapaghatid ng mabuting balita.
Ang unang mabuting balita ay ang paglulunsad ng “Anti-Vote Buying Campaign” sa Feb. 6, para kumbinsihin ang mga botante na iwaksi ang mga kandidatong sumasamba sa 3G’s o “guns, goons and gold”. Ang ikalawang “good news” ni Harvey ay ang “mini-reunion” ng KN! na pwedeng daluhan ni Comm. Grace, dahil magka-partner ang Kaya Natin! at COMELEC sa “Anti-Vote Buying Campaign” na ito.
Napapangiti siguro si Sec. Jess, dahil hindi lang matino si Harvey, mahusay pa!
***
Apat na araw na lang at magtatapos na ang 15th Congress. Mapalad tayo’t may apat pa tayong batas na maihahabol bago mag-adjourn ang Kongreso at Senado: (1) House Bill 6767 na magdaragdag ng 22 bagong branches ng Metropolitan Trial Court sa Quezon City, (2) HB 6513 na magtatakda ng pagkakaroon ng national design policy at magpapalakas sa Design Center of the Philippines, (3) HB 3929 na isinulong para gawing national road ang Anonas Street, nang sa ganoon ay magamit ang pondong inilaan ng lungsod sa pagsasaayos ng kalsadang ito sa iba pang pangangailangan ng Q.C., at (4) HB 3877, ang pagdeklara sa Nov. 27, na siya ring kaarawan ng bayaning si Ninoy Aquino, bilang Araw ng Pag(b)asa.
Malaking bagay ang suporta ng mga partners natin sa Kongreso - mula kina Speaker Sonny Belmonte at Majority Leader Boyet Gonzales, hanggang sa staff ng Rules Committee - pero nais din nating pasalamatan ang mga partners natin sa Senado, lalo na sina Senate President Juan Ponce Enrile, Majority Leader Tito Sotto, Sen. Bong Revilla, Sen. Koko Pimentel, Sen. Frank Drilon, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Ed Angara at Sen. TG Guingona.
***
NGO, academe, pribadong sektor at pamahalaan -- apat na partners ang nagsama-sama para ilunsad ang “Champions for Health Governance Awards.”
Ayon sa mga partners -- ang Kaya Natin! Movement, Ateneo School of Government, Merck, Sharp and Dohme (MSD), sa suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng DILG at DOH -- ang layunin ng programang ito ay kilalanin at lalong palakasin ang mga LGU na may bukas, malikhain at epektibong programang pangkalusugan.
Nagkakaisa ang mga partners sa pananaw na ito: “There is a need for leaders across the country to provide innovation, leadership, effectiveness, transparency and accountability to community health programs.”
Ang programa ay bukas sa lahat ng mga pamahalaang pangmunisipyo at panglungsod. Maliban sa natatanging karangalan, may tatanggapin ding “cash grant” ang mga mananalong LGU.
March 15 ang deadline for submission of entries. Para sa karagdagang impormasyon at para ma-download ang application form, magtungo sa www.healthgovernance.weebly.com.
Maaari ring sundan ang “Champions for Health Governance Awards” sa twitter.com/healthgovawards at facebook.com/HealthGovernance.
Maraming salamat sa ating mga “Partners-4-Progress” -- sa Kaya Natin! at Ateneo School of Government, sa MSD at sa pamahalaan -- sa kanilang pagtutulungan at pagkakaisa.
Ang kanilang determinadong pagkilos ay magandang halimbawa, katunayan na ang laban para sa makabuluhang pagbabago ay hindi laban lang ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino, kundi laban nating lahat.
Refer to link for full article: http://www.abante-tonite.com/issue/jan3113/edit_bite.htm#.USWay4lp4dn