http://www.abante.com.ph/kaya-natin/23358/kaya-natin-magaling-ba-ang-mayor-mo.html
Noong nakaraang Martes ay inilunsad muli ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership kasama ang MSD, ang 2nd Champions for Health Governance Awards na nagbibigay ng parangal sa mga lokal na pamahalaan na mayroong magagaling na programang pangkalusugan para sa kanilang mamamayan.
Ang MSD ay isang kumpanya na gumagawa ng gamot at matagal na silang gumagawa ng mga iba’t ibang proyekto na nakakatulong sa pagsusulong ng pagbibigay ng maayos na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
Kung hindi pa natin alam, ang may responsibilidad sa larangan ng kalusugan sa ating bayan ay ang Department of Health kaakibat ang ating mga lokal na pamahalaan.
Kumbaga, kung hindi prayoridad ni mayor ang kalusugan ay hindi magiging maayos ang mga programang pangkalusugan sa kanilang siyudad o munisipyo.
Noong 2013 unang isinagawa ng KN at MSD ang programang ito at ang limang lokal na pamahalaan na nanalo ay ang Valenzuela City, Anilao sa Iloilo, Tayabas sa Quezon, Carmona sa Cavite at ang San Pablo sa Zamboanga del Sur.
Kung titingnan natin ang mga nanalo, hindi lahat ng mga ito ay mga mayayamang munisipyo o lungsod, ngunit kahit na kakaunti lamang ang kanilang pondo ay nagawa pa rin ng kanilang mayor na ayusin at pagandahin ang programang pangkalusugan nila.
Dito makikita na kapag desidido at maayos ang isang pinuno ay madali nitong mabibigyan ng kalidad na serbisyo ang kanyang mga mamamayan.
Ngayong taon, bukas na muli ang aplikasyon para sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sumali sa Champions for Health Governance Awards.
Ang limang magwawagi ay makakatanggap ng P100,000 mula sa MSD at mga gamit pangkalusugan na nagkakahalaga ng P500,000 mula sa Department of Health. Ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para rito ay sa Marso 15, 2015 kaya kung magaling ang mayor ninyo at maayos ang mga programang pangkalusugan sa inyong lugar, hikayatin niyo na silang sumali.
Para sa mga gustong sumali, pumunta lamang sa website ng Champions for Health Governance sa http://healthgovernance.weebly.com o puwede rin kayong tumawag sa (02) 518-0021 at hanapin lamang si Mixie.